Ang pananamit ay isa sa mga requirements upang maging disente at presentable sa publiko ang isang tao.Ang style ng pananamit ay nagbabago din,tulad nalamang ng iyong paboritong kanta,nagbabago din dahil sa ito’y napapalitan na.Ang pananamit ay magbubukas sa iyo sa iba’t-ibang pinto ng iyong buhay,tulad nalang kung ang suot mo ay baggy pants at t-shirt lang,malamang sa malamang eh ang mahahanap mong trabaho ay busboy,o cleaning girl/boy sa isang maliit na market.Nakatira tayo sa mundong kung saan ang pananamit ang nagsasabi sa ating sarili at sa ating aptitude ,tulad nalang pwede kang hindi maging totoo sa ibang tao,maging matalino na may IQng humigit kumulang sa 100.Halos lahat ng tao sa ngayon ay nagba-base sa pananamit ng isang tao,kung paano niya ito tatratuhin.tulad ng racism,hindi lamang ito ukol sa gender/race ng isang tao,ukol din ito sa fashion at pananaw ng isang tao.

Ang fashion ay importante,dahil ito ang nagpapadala ng mensahe na pinapahalagahan mo ang sarili mo,na ikaw ay updated,at higit sa lahat na ikaw ay presentable.Ang iyong pananamit ang nagsasabi kung ikaw ay responsable o hindi,ganun kaimportante ang fashion sa ating buhay ,sabi nga eh “it’s all in the looks”.Paano nga ba masasabing ang isusuot ng isang tao ay matatawag na fashion o hindi?Hindi lahat ng tao ay kayang bumili ng damit na nagkakahalaga ng Php.144,000,dahil sa tatak nitong Armani suit.Sa aking opinion eh “beauty is in the eye of the beholder”.Ang isang tao ay dapat manamit kung saan sila ay komportable at naaayon sa okasyon na pupuntahan.Naka experience na rin kasi na may ibang tao dyan na nagdadamit na hindi angkop sa okasyon na kanyang pupuntahan.
Ngayon,kung lalabas lang naman kayo ng mga kaibigan niyo,magre-relax sa beach,o magpupunta sa mall,masasabi kong gawan niyo nalang ng statement ang sarili niyo.Isuot niyo ang gusto niyong isuot at kung saan kayo komportable at sabihin niyo sa mundo na “ito ako!take it or leave it…kasi hindi ko kailangan ang opinion niyo!”sabay goodbye…..
