Featured

MGA USONG SUOT NGAYONG 2019…..

.

— MARAMING styles na naman ang tiyak na maglalabasan ngayong taon. Mga iba’t ibang styles na tiyak na tatangkilikin na naman, hindi lang ng mga fashionista kundi maging ng mga taong hindi naman gaanong in love sa fashion.
Sabihin mang hindi gaanong mahilig sumabay sa pagbabago ng fashion o outfit ang marami sa atin, kung nakita nilang bagay sa kanila ang isang damit o kasuotan ay bibilhin ito’t susubukang suotin.
Hindi lang naman din kasi dahil uso kaya natin sinusuot o binibili ang isang outfit, higit sa lahat ay kapag bagay ito sa atin. Aanhin nga naman natin ang usong outfit kung hindi ito bagay sa atin at mukha tayong trying hard sa pagsusuot. Imbes na maging maganda ang kabuuan natin, papalpak pa. Sa­yang lang ‘di ba.
Kasabay nga naman ng pagpapalit ng taon ay ang paglalabasan din ng mga usong damit.
May ilan na sumasabay sa uso. Kapag nalamang uso ang ganitong style o outfit, agad-agad na bibili. Kapag nagandahan sa suot ng kaibigan, kakilala o katrabaho, gagaya rin at bibili.
Kunsabagay, mayroon naman talagang pinipilit na sumunod sa uso. Takot na takot mapag-iwanan ng panahon. Samantalang ang iba naman ay nakadepende ang klase o susuoting outfit sa kung anong style ang gusto nila at bagay sa kanila. Hindi gaanong nakikisabay sa uso dahil may sarili silang style na bagay sa kanilang kabuuan.
Hindi rin naman kailangang makisabay tayo sa usong outfit lalo na kung alam mong hindi ito babagay sa iyo.
Gayunpaman, sa mga nais malaman kung anong outfit ang swak ngayong 2019, narito ang ilan sa magiging uso:
Tiyak na marami na namang mauusong outfit ngayong taon. Gayunpaman, ang pinakamagandang outfit pa rin na puwede nating suotin ay ang ‘tiwala sa ating sarili’. Dahil kung kulang o wala tayong tiwala sa ating sarili, kahit na anong suotin natin ay hindi tayo mamukod-tangi at mapapansin ng marami.
Sa pagpili rin ng outfit—uso man o hindi— dapat ay komportable tayo sa ating susuotin. Kung hindi bagay sa atin ang isang outfit, huwag nating pilitin.
FANCY FLATS
Hindi nga naman buo ang look ng isang babae kung walang sapatos. Ngayong taon, hindi pa rin mawawala sa uso ang fancy flats.
Marami na nga naman ang nauusong flats ngayon na may maga­gandang design. Komportable rin itong suotin. At higit sa lahat, swak ito sa kahit na anong okas­yon at panahon.
Bagay rin ang fancy flats sa dress, shorts, pants, leggings at skirts.

RED OUTFIT

Kung mayroon man isang outfit na maganda tingnan at nakapagbibigay ng ‘attitude’ o karakter sa nagsusuot, iyan ay ang mga outfit na kulay pula.

Hindi lamang din kasi ito nakapuputi. Hi­git sa lahat ay nagiging sopistikada rin ang kababaihang nagsusuot nito.

At ngayong taon, swak ang nasabing kulay kaya’t tiyak na makikita ito sa mga store, gayundin sa online.

Kaya kung may red outfit ka, ilabas na iyan at tiyak na kakailanganin mo ‘yan sa taong ito kung gusto mong makisabay sa uso.

Kabilang sa mga fashion trend o mauusong moda ng kausotan para sa 2019 ay ang napiling “color of the year” ng isang kompanya sa Amerika, at ang mga damit na “tie-dye,” sabi ng isang designer.

Ayon sa fashion designer at entrepreneur na si Chynna Mamawal, isa sa mga pinakapatok na kulay ngayong taon ang “living coral,” na napiling color of the year para sa 2019 ng Pantone, isang kompanyang nirerespeto sa industriya ng disenyo.

Image result for living coral dress

introduksyon sa fashion

Ang pananamit ay isa sa mga requirements upang maging disente at presentable sa publiko ang isang tao.Ang style ng pananamit ay nagbabago din,tulad nalamang ng iyong paboritong kanta,nagbabago din dahil sa ito’y napapalitan na.Ang pananamit ay magbubukas sa iyo sa iba’t-ibang pinto ng iyong buhay,tulad nalang kung ang suot mo ay baggy pants at t-shirt lang,malamang sa malamang eh ang mahahanap mong trabaho ay busboy,o cleaning girl/boy sa isang maliit na market.Nakatira tayo sa mundong kung saan ang pananamit ang nagsasabi sa ating sarili at sa ating aptitude ,tulad nalang pwede kang hindi maging totoo sa ibang tao,maging matalino na may IQng humigit kumulang sa 100.Halos lahat ng tao sa ngayon ay nagba-base sa pananamit ng isang tao,kung paano niya ito tatratuhin.tulad ng racism,hindi lamang ito ukol sa gender/race ng isang tao,ukol din ito sa fashion at pananaw ng isang tao.

Ang fashion ay importante,dahil ito ang nagpapadala ng mensahe na pinapahalagahan mo ang sarili mo,na ikaw ay updated,at higit sa lahat na ikaw ay presentable.Ang iyong pananamit ang nagsasabi kung ikaw ay responsable o hindi,ganun kaimportante ang fashion sa ating buhay ,sabi nga eh “it’s all in the looks”.Paano nga ba masasabing ang isusuot ng isang tao ay matatawag na fashion o hindi?Hindi lahat ng tao ay kayang bumili ng damit na nagkakahalaga ng Php.144,000,dahil sa tatak nitong Armani suit.Sa aking opinion eh “beauty is in the eye of the beholder”.Ang isang tao ay dapat manamit kung saan sila ay komportable at naaayon sa okasyon na pupuntahan.Naka experience na rin kasi na may ibang tao dyan na nagdadamit na hindi angkop sa okasyon na kanyang pupuntahan.

Ngayon,kung lalabas lang naman kayo ng mga kaibigan niyo,magre-relax sa beach,o magpupunta sa mall,masasabi kong gawan niyo nalang ng statement ang sarili niyo.Isuot niyo ang gusto niyong isuot at kung saan kayo komportable at sabihin niyo sa mundo na “ito ako!take it or leave it…kasi hindi ko kailangan ang opinion niyo!”sabay goodbye…..

Design a site like this with WordPress.com
Get started